Kakauwi ko lang mula sa aking "napakagandang paaralan"!
Kakapagod dahil parang sasabog na ang aking utak sa mga impormasyong aking natutunan sa araw na ito na nagmula sa aking mga propesor... Mahirap pag aralan ang mga sakit na maaring makuha ng bawat indibidwal sa ating bansa! Isang sakit pa lang, ang dami na ng kakabisaduhin!
at wag kakalimutan ang mga gamot na ibibigay at dapat gawin!
Sa hirap ng aking pinagdaanan sa araw na ito... hhmmm.. at sabayan pa ito ng mga tampuhan at kaguluhan sa gitna ng iyong mga kaibigan... mahirap din ang sitwasyon na maiipit at wala kang magawa... gusto ko nang tumakbo at sumigaw ng Wahhhh!!! ang gulo!!! Gutom na din ako!!!
Wala na akong magagawa, kung hindi pagdaanan ang ganitong buhay at araw araw na magdusa... marahil ito talaga ang itinakda sa akin ng ating Panginoon.
Ang nakakatuwa lang dito, lahat ng ito ay nagyari lamang sa isang araw ng aking buhay.... -_-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
There has been 0 Responses to 'Tulala sa Kompyuter at Walang Magawa....' so far
Post a Comment